Dalawang Pizza Noong 2010, Higit P5-Bilyon Piso na Ngayon ang Katumbas

Updated November 8th, 2019 by Editorial Staff

Last updated on November 8th, 2019 by Editorial Staff

Nakakalula kung iisipin, na ang ginamit sa pagbili ng dalawang kahon ng Domino’s Pizza na nasa larawan ay mahigit P5-bilyong piso na ngayon ang halaga.

Ito ang kuwento ni Laszlo Hanyecz na noong Mayo 22, 2010 ay nagsabi sa isang online forum bitcointalk.org na siya ay nagnanais bumili ng dalawang pizza kapalit ng 10,000 Bitcoins (BTC).

Aniya, gusto ni Laszlo ng pizza na walang mga kakaibang sangkap bukod sa mga nakasanayan. Dalawang pizza ang kanyang order upang mayroon pang matira sa kinabukasan.

Isang 18-anyos naman ang tumugon sa hiling ni Laszlo na nakilala sa alyas na Jercos. Jeremy Sturdivant sa totoong buhay.

Agad namang iniulat ni Laszlo na tagumpay ang kanyang pagbili ng dalawang pizza gamit ang Bitcoin.

Noong 2010, ang 10,000 Bitcoins ay katumbas ng $41. Ngayong 2018, ang halaga ng isang Bitcoin ay naglalaro ang halaga sa $11,000, o higit 560,000 pesos.

Ang araw ng Mayo 22 ay tinawag na Bitcoin Pizza Day.

Search Terms:

  • Bitcoin Pizza Day
  • 10,000 BTC
  • Bitcoin Story

Tags: bitcoin, pizza, bitcoin address, btc, coins.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *