Ang syphilis ay isang impeksyon na dulot ng bacteria na tinatawag na Treponema pallidum. Ito ay madali lamang gamutin ng antibiotics, ngunit maaaring magdulot ng malubhang pinsala kapag di naagapan.
Ang syphilis ay delikadong sakit, at ito ay nagagamot. Ito ay kumakalat sa pamamagitan ng anal, vaginal, at oral sex.
Ito ay nagdudulot ng sores sa ari na tinatawag na chancres. Ang mga sores na ito ay kadalasang hindi masakit. Dahil dito, maraming tao ang may syphilis na hindi nila alam na meron sila nito. Maaaring makuha ang syphilis kapag nahawakan ang sores.
Ang syphilis ay kadalasang nagdudulot ng impeksyon sa ari, sa butas ng pwet, sa bayag, at minsan sa labi at sa bibig. Maaaring mapigil ang pagkalat ng syphilis sa pamamagitan ng condom tuwing magtatalik.
Ang syphilis ay madaling nagagamot kapag inagapan nang maaga. Kapag ito ay pinabayaan, ito ay pwedeng magdulot ng malubhang problema katulad ng pinsala sa utak, pagkalumpo, at pagkabulag. Kaya mahalaga ang regular na STD testing upang malaman nang maaga kung may syphilis at mapuksa ito.
Ang syphilis ay hindi naihahawa sa pamamagitan ng simpleng pakikipagugnayan. Hindi ito makukuha sa pamamahagi ng inumin o pagkain, pagyakap, pakikipaghawak kamay, pagubo, pagbahing, paghihiraman ng tuwalya, o pagupo sa banyo.
Mga Sintomas ng Sakit na Syphilis
Ang syphilis ay minsan mahirap mapansin, at ito ay lumilitaw at kusang nawawala sa pagdaan ng araw. Ngunit di ibig sabihin na ito ay wala na sa katawan. Minsan napagkakamalan ang syphilis na ibang bagay tulad ng tigyawat o kati. Ang pinakamabisang paraan para matiyak kung may syphilis ay ang pagpapasuri.
Ang pagkakaroon ng syphilis sore na tinatawag na chancre ang isang sintomas ng syphilis. Ang chancre ay kadalasang bilog ang hugis, hindi masakit, minsan ay namumutok at basa. Kadalasan ay isa lamang chancre ang lumilitaw subalit maaaring magkaroon ng higit pa.
Ang chancre ay madalas na lumilitaw sa pagitan ng tatlong linggo hanggang tatlong buwan pagkatapos magkaroon ng impeksyon. Ito ay tumatagal ng tatlo hanggang anim na linggo na kusang nawawala. Kapag hindi nagamot, kahit nawala ang chancre, ang syphilis ay mananatili pa rin sa katawan. Kinakailangan ng gamot para tuluyang mawala ang syphilis.
Pagpapasuri ng Syphilis
Maaaring magpasuri ng syphilis kahit walang nakikitang sores o
nararamdamang sintomas. Kadalasan ang nurse o doktor ay kukuha ng iyong
dugo upang suriin. Kung may sores, ito ay pwedeng pagkunan ng likido
upang suriin. Bilang alternatibo, maaaring gumamit ng testing kit na nabibili sa online.
Pagamot ng Syphilis
Ang syphilis ay kadalasang madaling gamutin kung ito ay aagapan nang maaga. Ang madalas na pinanggagamot para dito ay penicillin.
Kung ikaw ay nagagamot para sa syphilis, mahalaga na ang iyong kapareha ay magamot din upang maiwasan ang muling pagkahawa sa isa’t isa.
Tags: syphilis, sti, syphilis symptoms, syphilis cure, gamot sa syphilis, ano ang sakit na syphilis