Ang Pasyente sa Mental Hospital

Isang araw, sinusuri ng Doktor ang isa nitong pasyente sa Mental Hospital sa pamamagitan ng pagtanong at pagsagot.

Tanong nung Doktor, "Kung ikaw ay palabasin ngayon sa ospital, ano ang iyong unang gagawin?"

Sagot ng pasyente, "Doktor, titiradorin ko po ang buwan!"

Wika nung Doktor, "Ikaw ay hindi pa pwedeng palabasin. Susuriin ulit kita sa paglipas ng anim na buwan."

Pagkaraan ng anim na buwan, muling sinuri ng Doktor ang kanyang pasyente.

Tanong nung Doktor, "Kung ikaw ay palabasin ngayon sa ospital, ano ang iyong gagawin?"

Sagot ng pasyente. "Doktor, ako'y magaling na. Pagkalabas ko po sa ospital, ako po ay hahanap ng trabaho upang mamuhay ng mag-isa."

Muling nagtanong ang Doktor, "Pag nakahanap ka ng trabaho, ano ang iyong sunod na gagawin?"

Sagot ng pasyente, "Doktor, ako po ay manliligaw ng isang mabait, masipag at magandang babaeng pwede kong makakapiling na pang habang buhay."

Gulat ang Doktor! Mukhang matino na ang kaniyang pasyente!

Muli pang nagtanong ang Doktor, "Pagkatapos niyong makasal, ano ang iyong gagawin?"

Sagot ng pasyente, "Aba, Doktor, kami po ay mag-hahanimun!"

Bilib na naman ang Doktor.

Tanong ulit ng Doktor, "Ano ang iyong gagawin sa inyong hanimun?"

Sagot ng pasyente, "Doktor, huhubarin ko po ang blusa at palda ng aking bagong asawa."

"Pagkatapos..." tanong ng Doktor.

"Pagkatapos... " sabi ng pasyente, "huhubarin ko ang kaniyang bra at panty".

"Pagkatapos..." tanong ng Doktor.

"Pagkatapos..." sabi ng pasyente, "kukunin ko lahat ng lastiko sa bra at panty at titiradorin ko ang buwan!"


Bawal ang marupok
Sign In or Register to comment.